Ilang updates lang po tungkol sa IEC Advocacy Exhibit. Ang final venue po ay sa ground loor, left wing ng City College of Manila. Abangan na lang po ang susunod kong email kasama ang mapa ng venue. Ito po ang mga orgs na magbo-booth: DRDF, DSWP, HAIN, RAFI, Likhaan, Save the Children at RHAN-Youth. Ang mga magshe-share ng mga materials at ilalagay sa isang lamesa ay ang mga sumusunod na organisasyon: EngenderRights, ISSA, KAKAMMPI, PNGOC, WHCF, ZOTO, KALAKASAN-WMC, PhanSUP at PRRM. Festival po ang ambiance natin sa booth. Kaya, kung sinuman po ang magbobooth ay gumawa ng paraan para maging festive ang dating ng mga booth. Pwede pong ideyahan ang palayok, pabitin at iba pang larong pinoy. May mga banderitas na isasabit sa paligid ng area. RHAN-Youth na po ang bahala dito. May ilang mga request lang kami sa mga magbo-booth at makiki-share ng lamesa. Narito po: 1. Sa July 7 (Monday) 6:00 am po ang pag-aayos ng mga booth. Sana ay nandun na po kayo ng ganoong oras. 2. Siguraduhing may tatao sa inyong booth mula 8:00 am to 5:00 pm, mula Lunes hanggang Byernes, at... kanya-kanyang pagkain at transpo. 3. Sana po lahat ng magbobooth ay nasa launching day (Lunes) 4. Magdala ng kani-kaniyang table cloth o anumang panapin sa lamesa. 5. Magdala rin ng mga gamit gaya ng gunting, masking tape, thumb tacks atbp. 6. Kani-kaniyang dala rin ng extension cord para sa mga gagamit ng mga electronic devices. 7. Kani-kaniyang dala ng mga electronic devices. Pwedeng gumamit ng kuryente sa venue. I-email ko na lang ulit yung tungkol sa bayad. Sa ngayon ay may babayarang P1,146.88 sa kuryente sa loob ng apat na araw. P286.72 kasi ang bayad sa kuryente kada araw para sa lahat na ito ng booth. Ibig sabihin, pwedeng paghati-hatian ang kabuuang bayad na P1,146.88 para sa apat na araw. O di kaya'y, sagutin na ito ng RHAN. Malalaman sa aking pagbabalik. 8. Kanya-kanyang ligpit ng mga materials pagkatapos ng bawat araw. May ibinigay na room sa atin para pagtaguan ng mga gamit. Ito ay ang Palma Hall. Kaya, di na kayo mapapagod magpabalik-balik sa pagdadala at pag-uwi ng inyong mga materials. Bitbitin lang sa 2nd floor kung saan nandoon ang Palma Hall. 9. Huwag pong magpako sa pader. Bawal po ito. Pwede pong gumamit ng masking tape kung may mga materials kayong de-sabit. O kaya'y magdala na lang nga mga stands. Kung sa tarp... Tarp stand! 10. Sa Huwebes ng 1:00pm, kanya-kanyang bitbit ng gamit papuntang Tondo Sports Complex. May space para sa mga booth doon at kani-kaniyang bitbit ng lamesa. Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang paggamit ng Tondo Sports Complex dahil wala pang pirma ni Mayor. Pero, naka-reserve na ito sa RHAN sa July 11. Kaya, wala pang kasiguraduhan kung may lamesa ba tayong magagamit sa July 11. Meantime, maghanda na lang ng lamesa para sa July 11. Sa July 7-10 sa CCM, may lamesa at upuang ibibigay sa atin. 5 lamesa at wantusawang upuan. 5 lamesa lang daw ang kaya nilang i-provide. Sa 5 lamesa na doble ang haba sa ordinaryong sukat ay maghahati ang bawat organisasyon. First come - first serve basis po tayo sa mga lamesa. Pwedeng magpatugtog ng music sa venue pero wag naman ala-baywalk ang lakas. May klase din kasi sa itaas ng building. Pwede din ang magpalabas ng mga video materials pero kani-kaniyang dala ng TV o LCD at white screen. Request lang namin sa mga magbibigay ng mga materials at walang magbabantay, dalhin lang sa DSWP o Likhaan offices ang inyong mga materials na ilalagay sa booth. Sana po ay TODAY or Chomorow afternoon. hehehe... Kiko |
Thursday, July 3, 2008
Updates tungkol sa Booth
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment